boxing copy

Nagtala ng unang panalo sa United States si WBF junior lightweight champion Harmonito “Hammer” Dela Torre sa pagwawagi sa 8-round unanimous decision laban sa beteranong si Guillemo Sanchez ng Puerto Rico kahapon, sa Seneca Niagara, Resort and Casino sa Niagara Falls sa New York.

Nagwagi si Dela Torre sa iskor na 78-74 at 77-75, samantalang isa sa mga hurado ang umiskor ng tablang 76-76 para mapaganda ang kanyang kartada sa perpektong 18 panalo, 12 sa pamamagitan ng knockouts.

“Sanchez of Buffalo, New York started strong in the first round. He tagged Dela Torre early in the fight with his left hand and made the Filipino missed most of his power shots,” ayon sa ulat ng Philboxing.com. “Dela Torre adjusted his fighting style in the 2nd and was able to get through the guards of his foe.”

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Armed with quick hands, the Filipino who hails from the same city that produced the greatest Filipino fighter of all time in Manny Pacquiao, stormed a tiring Sanchez in the final two rounds of the fight but was unable to send him down for an impressive outing that his camp and promoters wanted him to show,” dagdag sa ulat.

Inaasahang aangat sa WBA ranking si Dela Torre matapos siyang itala bilang No. 15 contender kay bagong WBA super featherweight titlist Jeezrel Corrales ng Panama. (Gilbert EspeÑa)