“MASUWERTE pa rin tayong mga Pilipino. Hindi kasing-hirap ng buhay natin ang nararanasan ngayon ng mga parishioner sa Zambia, Africa.” ito ang naging pahayag ni Fr. Pat de los Reyes, SVD, dating Filipino missionary sa Zambia, sa isang mission talk.

“Kinakailangang maglakad araw-araw ng mga babaeng parishioner ng anim na kilometro habang tirik ang araw para lamang makaigib ng tubig gamit ang lata na kanilang ipinapatong sa kanilang ulo.”

“Tigang ang lupain. Marami ang namamatay dahil sa gutom at ang mga bata ay kulang sa timbang at sustansiya,” dagdag pa niya.

Ngayong Linggo ay ipinagdiriwang ang kapistahan ng CORPUS CHRISTI (katawan ni Kristo). Ito ay nakatuon sa ating atensiyon sa problema sa kagutuman na nagpapahirap sa milyun-milyong katao, gaya ng Zambian parishioners ni Fr. De los Reyes.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

30 NAMAMATAY KADA MINUTO. Tinatayang isa’t kalahati ng mga tao sa mundo ang masaganang nakakakain, ang isa’t kalahati ay hindi gaano nakakakain, at ang isa’t kalahati pa ay hindi nakakakain ng maayos.

Apat na milyong katao ang namamatay kada taon dahil sa gutom at 70 porsiyento ng mga batang hindi lalampas sa anim na taong gulang ang kulang sa timbang. Dahil dito, tinatayang 30 katao ang namamatay kada minuto dahil sa gutom.

Dito sa ating bansa, maraming pamilya, lalo na sa malalaking lungsod, ay bibihirang makakain ng tatlong beses sa isang araw. Karamihan sa mga Pilipino ay nangangalkal lamang ng basura para kainin ang mga tira-tirang pagkain. Ang iba’y kinakailangan pang magnakaw o kaya’y magbenta ng droga para lamang may mapakain sa kanilang pamilya.

Gaya nga ng sinabi ng yumaong si Mother Teresa of Calcutta, na hinahangaan ng buong mundo dahil sa paglilingkod sa “poorest of the poor” : “Poverty in the underdeveloped countries would be removed faster if we all began to share.”

(Fr. Bel San Luis, SVD)