DIFFUN, Quirino - Isang nabubulok na bangkay ng lalaki, na iniulat na nawawala noon pang nakaraang buwan, ang natagpuan sa Barangay Villa Pascua sa bayang ito, kamakailan.

Sa report ng Diffun Police, nakilala ang biktimang si Richard Fontanilla, 34, binata, ng Barangay Sagana, Santiago City, na naiulat na nawawala noong Abril 2, 2016.

Kinilala ang biktima ng kapatid niyang si Jerry Fontanilla, na siya ring nag-ulat sa pagkawala ng kapatid, na umano’y may diperensiya sa utak. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar