Mayo 26, 1828 nang masilayan ang pagala-galang teenager na si Kaspar Hauser sa Nuremberg, Germany.

Paulit-ulit niyang sinasabi na nais niyang maging isang kabalyero tulad ng kanyang ama, at paulit-ulit na binigkas ang salitang “horse”. Gumawa siya ng liham para sa isang local military officer, na nakasaad ang kagustuhan ng kanyang ama na mapabilang siya sa army.

Suot ang butas-butas na damit, limitado lamang ang mga salitang alam ni Hauser at dumaranas siya ng developmental disorder. Mas gusto rin niyang kumain ng tinapay at uminom ng tubig kaysa kamain ng karne at gulay.

Kalaunan, nailathala ang kanyang autobiography. Dito, ibinahagi ni Hauser na siya ay namalagi sa isang maliit at madilim na silid, at pawang estranghero ang nag-aalok sa kanya ng pagkain. Namatay siya Disyembre 1833 makaraang masaksak.

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon