Jennylyn copy

MAY bago na namang pelikula si Jennyln Mercado, wala pang title at hindi pa alam kung sino ang kanyang makakasama. Pati nga director, kung may napili na, hindi pa pinangalanan. Wala ring binanggit kung saang film company gagawin ang pelikula.

Sa writers ng movie pa lang na pinamumunuan ni Kriz Gazmen nakipag-meeting si Jennylyn at dahil identified ang mga ito sa Star Cinema, ang hula agad ng mga nakakita sa group picture na kumalat sa social media ay sa naturang film company pa rin gagawin ang kanyang next movie.

Ang request ng fans, si John Lloyd Cruz pa rin ang ipareha kay Jennylyn, may nag-request naman ng Coco Martin, pero mas marami ang nagre-request na si Piolo Pascual na ang maging leading man ni Jennylyn sa bago niyang pelikula.   

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

(NITZ MIRALLES)