Mayo 25, 1977 nang unang ipalabas ang pelikulang “Star Wars: Episode IV—A New Hope”, at naglunsad ng bagong trend sa American pop culture.
Kumita ang pelikula ng halos $800 million sa buong mundo, at tumanggap ng pitong Oscars. Tampok sa pelikula ang mga makabagong special effects, at isinasalaysay ang buhay ni Luke Skywalker at ng kanyang mga kaalyado sa pagtupad nila sa misyon para sagipin si Princess Leia mula sa Evil Empire ni Darth Vader.
Ang pelikula, na nagtala ng bagong box office at attendance records, ay binansagang “The Year’s Best Movie” ng Time Magazine. Ayon sa documentary film producer na si Robert Muratore, inilunsad sa premiere ang “a new era for science fiction.”
Ang mga unang sequel ng pelikula ay ang “The Empire Strikes Back” at “The Return of the Jedi”, na ipinalabas noong 1980 at 1983, ayon sa pagkakasunod.