VATICAN CITY (AFP) – Niyakap ni Pope Francis ang grand imam ng Al-Azhar Mosque ng Cairo sa Vatican noong Lunes sa makasaysayang pagkikita ng dalawang panig patungo sa mas malawak na pangkakaunawaan at diyalogo ng dalawang pananampalataya.

Ang unang Vatican meeting ng lider ng mga Katoliko at ng pinakamataas na awtoridad sa Sunni Islam ay nagmamarka ng mahalagang pagsulong sa relasyon ng dalawang pananampalataya simula nang manungkulan si Francis noong 2013.

Sinabi ni Sheikh Ahmed al-Tayeb kay Francis na: “We need to take a joint stance, hand in hand, to bring happiness to humanity. Divine religions were revealed to make people happy, not to cause them hardship.”

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture