UMAABOT sa 11,000 katao ang sumugod sa Guimaras Provincial Capitol Grounds nitong nakaraang Sabado, May 21, upang makita nang personal at maka-bonding ang mga bida ng The Story of Us na sina Kim Chiu at Xian Lim.

Xian at KimPinagkaguluhan ang magka-love team na pinakilig nang husto ang mga tao nang alayan nila ang mga ito ng mga awitin.

Sa Guimaras unang bumisita ng KimXi para sa “TSOUristas Global Trip,” isang tour na alay sa masusugid na manonood ng primetime series bilang pasasalamat sa patuloy nilang pagsubaybay rito.

Nakatakda namang dumayo sina Kim at Xian sa Lucena sa Sabado (Mayo 28), Saipan (Mayo 29), Chicago (Hunyo 11), at London (Hulyo 17) para sa pagpapatuloy ng “TSOUristas Global Trip.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Samantala, sa kuwento ng The Story of Us, unti-unti nang sumusuko si Macoy (Xian) sa pag-ibig niya kay Tin (Kim) at nagdesisyong bumalik na ng Pilipinas dahil sa nakatakdang pagpapakasal ng dalaga kay CJ (Bryan Santos).

Inaabangan ng mga manonood kung ito na nga ba ang katapusan ng love story ng magkababata.