Mayo 24, 1941 nang mahigit 1,400 katao ang nasawi matapos palubugin ng German battleship na Bismarck ang natitirang barkong pandigma ng Britain na HMS Hood sa Battle of Denmark Strait. Nang mga panahong iyon, naging maayos na ang lagay ng panahon.

Madaling araw nang maglayag ang mga barkong Bismarck at Prinz Eugen sa direksiyong timog-kanluran sa Denmark Strait. Dakong 5:52 ng umaga nang pagbabarilin ng HMS Hood at HMS Prince of Wales, na una nang namataan ng Bismarck, ang mga barkong Bismarck at Prinz Eugen sa layong 24 na kilometro.

Gayunman, nagsanib-puwersa ang dalawang barko ng Germany upang atakehin ang Hood, at kalaunan ay pinuntirya naman ang HMS Prince of Wales. Bahagyang napinsala ang Bismarck, at tumagas pa ang langis nito.

Bagamat nangyari ang insidente sa loob lang ng 17 minuto, napilitan ang mga German na tapusin na ang paglalayag ng Bismarck. Binalak maghiganti ng Britain dahil sa paglubog ng HMS Hood at sa pagkamatay ng lahat maliban sa tatlo sa 1,400 tripulante nito.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko