Dahil sa matagumpay na PLDT Home Ultera Alyssa Valdez Skills Camp, ipinahayag ni three-time UAAP MVP na mas palalawigin nito ang sakop ng programa sa mga susunod na aktibidad.

Umabot sa 600 ang lumahok sa Camp na isinagawa sa Laoag hanggang Marinduque at Tacloban. Sumabak ang mga kabataan na may edad anim hanggang 33 sa programa na inilatag din sa Laguna, Quezon City, Batangas at Rizal mula Mayo 5-21.

“I’m super overwhelmed with the response we got for the camp,” sambit ni Valdez, personal na nagsasagawa ng pagtuturo sa basic ng larong volleyball.

“Even during the first leg, we’ve been getting requests to bring the camp to the provinces.I’ am just blessed to be given this opportunity to share the knowledge we have to these kids and we’re looking forward to doing more of these in the future,” aniya.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kasama ni Valdez sa Skills Camp sina back-to-back NCAA MVP Grethel Soltones, UAAP champions Kim Fajardo, Ysay Marasigan, Ron Medalla, Dan Posadas at Ish Polvorosa, Ateneo stars Jho Maraguinot, Bea de Leon, Ella de Jesus, Amy Ahomiro at Bea Tan, gayundin si coach Joyce Palad.

Nagbigay din ng suporta sina coach Kung Fu Reyes, NU standouts Jaja Santiago at Jorelle Singh, St. Benilde’s John Vic de Guzman, at rising stars Mylene Paat ng Adamson, UST’s EJ Laure, at Shaya Adorador ng UE.

Nakiisa rin sina dating national player Mozzy Ravena at anak na si basketball collegiate star Kiefer sa final leg ng camp na suportado ng STI College, Toby’s Sports, Wilson, University of Batangas, The Frazzled Cook, Glutamax, Gatorade, Jollibee, Intermatrix, Ally’s, AQ at Lotto.  

“The kids are very lucky to have learned from some of the best volleyball players and minds we have here. It’s not everyday that you gather MVPs and champions in one place to teach and inspire aspiring volleyball players,” pahayag ni Valdez.

“Super happy. Naiyak ako sa sobrang tuwa,” sambit ng 15-anyos na si Alyssa Miralles, isa sa mga kabataan lumahok mula sa Tacloban.

“We hope to have it here sa amin because she has a lot of fans there, too.”

Ayon kay Valdez, mas maraming lalawigan at bayan silang pupuntahan sa Visayas at Mindanao para isagawa ang naturang programa.