Brazil OLY Tickets

RIO DE JANEIRO (AP) — Umabot na sa 67 porsiyento sa tiket ang naibebenta, ayon sa Rio de Janeiro Olympics organizer.

Ayon kay Ticket director Donovan Ferretti, inilabas din nila nitong Biyernes ang modernong ticket na hindi makokopya at madadaya ng mga scalper.

Bukod dito, masigasig din ang pagbabantay ng mga police sa posibleng pagdagsa ng mga pekeng ticket.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Iginiit ni Ferretti na sa kabila ng kasalukuyang mga problema, maayos ang bentahan ng mga ticket para sa lahat ng venue.

“Here in Brazil we have the culture to buy the tickets very close to the event,” pahayag ni Ferretti.

“We’ve sold more than expected at this point. In Brazil, we’re going to sell many more tickets a month ahead, or four or five days before the event.”

Mabilis din umano ang bentahan sa labas ng Brazil kabilang na ang on-line reservation.

“We are still receiving a lot of demand from other territories, and when possible we are giving them more tickets,” aniya.

Nauna nang ipinahayag ng organizers na magbebenta sila ng 7.5 milyon ticket. Ngunit, bumaba ito sa anim na milyon kung saan apat na milyon na umano ang naibenta.

“We can only release the tickets if we can guarantee the seats are going to be there,” sambit ni Ferretti.

Sa nalalabing dalawang milyong ticket, 800,000 dito ay para sa football, ang paboritong sports sa Brazil.