Bagamat mistulang mabibigo ang gobyerno na pigilan ang pagtaas ng matrikula, ipinangako naman ng Malacañang ang pagkakaloob ng subsidiya para sa mga estudyante na magpapatuloy ng senior high school program sa mga pribadong paaralan o state colleges, sa ilalim ng Kto12 program.

Ang P12-bilyon subsidiya ay nakalaan para makatulong na makumpleto ng senior high school enrollees ang karagdagang dalawang taon sa ilalim ng Kto12 program, ayon kay Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma, Jr. - Genalyn D. Kabiling

'Para pa ba sa akin 'to?' Zephanie, muntik nang umexit sa showbiz