Japan Womens Volleyball

TOKYO (AP) — Ginapi ng The Netherlands ang Peru 25-16, 25-14, 25-17, nitong Sabado (Linggo sa Manila) para makakuha ng slot sa women’s volleyball tournament ng Rio de Janeiro Olympics.

Hataw si Lonneke Sloetjes sa team-high 16 puntos para sa Netherlands na kumana ng 5-1 marka sa eight-nation tournament para makapasok sa Olympics sa kauna-unahang pagkakataon mula noong 1996 Atlanta Games.

“These players can compete with the top in the world. They have the physical and mental strength to do it,” pahayag ni Dutch coach Giovanni Guidetti.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Umusad din sa Rio Games ang Italy, South Korea at Japan.

Tinalo ng Italy (5-1) ang Japan 23-25, 27-25, 27-25, 21-25, 15-9. Ang dalawang set na naipanalo ng Japan ay sapat na para makuha nila ang minimithing Olympic slot.