Marian at Baby Z copy

MUKHANG excited nang lahat ang fans nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa first TV commercial ng mag-inang Marian at Baby Letizia ng isang brand ng baby powder. 

Nakita pa lamang sa Facebook ng said product ang mga behind-the-scene footage during the TVC shoot, nag-trending na agad ito sa Twitter nationwide. Makikita kasi sa shoot kung anu-ano ang ginawa ng mag-ina at naroon din si Dingdong na nakaalalay sa kanila. 

Pero next month pa ang formal launch ng nasabing TVC at malalaman natin kung papayag na si Marian na isama niya sa launch si Baby Zia, na habang lumalaki ay lalong gumaganda at nakikita na kung sino ang kamukha, si Marian nga ba o si Dingdong? 

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ngayong Sunday, special guest si Dingdong sa Sunday Pinasaya nina Ai Ai delas Alas, Marian, Jose Manalo, at Wally Bayola. May hashtag na #SPSLaughIsComing, muling babalik si Jose bilang si #JU30 na nag-click ang first impersonation kay President-elect Rodrigo Duterte last Sunday.  

Babalik din kaya ang nag-impersonate naman kay Vice-President-elect Leni Robredo, na nag-click din sa televiewers nang una silang mag-appear ni Jose sa comedy-variety show last Sunday, May 15?

Tiyak na marami ang nag-aabangan ngayong umaga pa lang. (NORA CALDERON)