Winakasan ng isang babae ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa Sta. Ana, Maynila kamakalawa ng gabi, matapos na hindi na umano niya makayanan ang mga problema sa kanyang pamilya.

Dead on arrival sa Sta. Ana Hospital si Mary Grace Albarracin, 31, residente ng 711-B Cactus Street, Punta, Sta. Ana, Manila.

Batay sa imbestigasyon ni SPO2 Richard Escarlan, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, nabatid na dakong 6:00 ng gabi nitong Biyernes nang matagpuan ni Michelle Ann Parada ang biktima na nakabigti gamit ang isang kumot, sa loob ng inuupahang kuwarto.

Kaagad umanong tinawag ni Parada ang mga kapit-kuwarto na sina Jason Morales at Jerwin Abencia na nagbaba sa biktima at nagsugod sa pagamutan, ngunit patay na ito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayon kay MPD Homicide chief Senior Insp. Rommel Anicete, posibleng hindi nakayanan ng biktima ang pinagdaraanang mga problema dahil bago natagpuang nakabigti ay narinig na nakikipagtalo pa ito sa ka-live in tungkol sa pagbabayad ng upa sa kanilang nirerentahang kuwarto.

Naniniwala naman si Serdonio Albarracin, ama ng biktima, na walang foul play sa insidente. (Mary Ann Santiago)