LeBron James

TORONTO (AP) — Sa kabila ng magkasunod na ‘blowout’ sa Cleveland, hindi nagkukulang sa kumpiyansa si All-Star guard Kyle Lowry, higit ngayong lalaruin ang Eastern Conference finals sa Toronto.

Nararapat lamang na kumilos at magpamalas ng tapang si Lowry at ang Raptors kung ayaw nilang mabiktima bilang ikatlong koponan sa playoff na wawalisin ng Cavs.

Mababa ang performance ni Lowry sa unang dalawang laro ng serye sa Cleveland, sa naitalang 8-of- 28 shot at 1-of-15 sa long range. Tangan ng Cavs ang impresibong 10-0 marka sa playoff, dalawang panalo para mapantayan ang NBA record ng San Antonio noong 1999.

‘Pasko para sa lahat’ PDLs, may Christmas wishlist ngayong Pasko!

“I think we’ll be better at home,” pahayag ni Lowry matapos ang ensayo ng koponan nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

“We’re supposed to be better at home. We’re down 2-0 but we haven’t played on our home floor yet,” aniya.

Hawak ng Toronto ang 6-2 karta sa home game sa playoff, habang nailista ang 32-9 marka sa Air Canada Centre sa regular season.

“We’ve got to go out tomorrow night and hold down our fort,” sambit ni DeMar DeRozan.

Ngunit, mapa -’home o road game’, sadyang mahirap pigilan si LeBron James at ang Cavaliers. At mas madodomina ng Cavs ang sitwasyon kung mananatiling mababa ang performance ni Lowry.

“It’s always important to have your top player but, again, we’ve been here before,” pahayag ni coach Dwane Casey.

“There’s nights he has hasn’t played well.”

Tunay na bumaba ang level ng pakikibaka ni Lowry, nakagawa ng 96 na puntos sa huling tatlong laro laban sa Miami Heat, ngunit, limitado lamang pinakamataas na 10 puntos ang opensa sa huling dalawang laro kontra Cavs.

“They’ve done a good job of collapsing and getting the ball out of my hands,” paliwanag ni Lowry.

“I’m making the right passes, we just haven’t made shots. I think we’ll make shots tomorrow. It looks a lot different when we make shots. Assists go up and turnovers go down,” aniya.

Sa kabila nito, nag-uumapaw ang kumpiyansa ni Lowry na makababawi ang Raptors, dahil naniniwala siya na hindi tsamba, kundi karapat-dapat sila sa conference finals matapos gapiin ang dalawang pinakamalakas na koponan sa playoff.