ISA sa mga mahalagang pahayag ni President-elect Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang balak niyang ibalik sa bansa ang death penalty at ito’y sa pamamagitan ng pagbigti sa mga pusakal na kriminal. Nais din ni Duterte na bigyan ng shoot to kill order o patayin ng mga military forces ang mga pinaghihinalaang kriminal. Sa pamamagitan ng mga nabanggit, naniniwala si Duterte na maaaring sumunod na sa batas ang mga mamamayan.

May iba’t ibang reaksiyon ang ating mga kababayan sa planong ibalik ang death penalty. Marami ang napa-look sa sky.

May natuwa, lalo na ang mga kamag-anak ng mga naging biktima ng mga karumal-dumal na krimen. Napapanahon upang mabigyan ng katarungan ang mga biktima. Ang mga madasalin ay biglang nag-sign of the cross. Napa-Dios por santo. May nagsabi naman na hindi ito makatao. Ang kriminal daw ay magiging parang aso na bago katayin ay binibigti muna ng mga lasenggo upang gawin nilang pulutan sa inuman.

Maging ang Commission on Human Rights (CHR) ay kontra sa plano ni Duterte na ibalik ang nasabing parusa. Ayon kay CHR chairman Chito Gaston, aantabayanan nila sa Kongreso ang deliberasyon ng death penalty. Ang CHR ay magbibigay ng kanilang posisyon. Naninindigan ang CHR na ang death penalty ay labag sa dignidad ng tao at karapatang pantao. Tutol ang CHR sa death penalty dahil sa mahinang justice system sa Pilipinas. Maraming butas ang sistema ng katarungan sa bansa. Ang madalas na resulta, ang napapatawan ng parusa ay walang kasalanan.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Hindi rin sang-ayon na ibalik ang death penalty ang Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa balak ni Duterte. Sa halip na buhayin ang capital punishment, iginiit ng CBCP na ayusin na lamang ng gobyerno ang sistema ng hustisya sa bansa upang hindi lamang ang nakaaangat sa buhay ang nakikinabang sa batas. Sa paniwala naman ni Maribel Bishop Dinualdo Gutierrez, tutol siya sa death penalty sapagkat ang buhay ay pag-aari ng Diyos, kaya tanging Diyos lamang ang may karapatang kunin o bawiin ang buhay ng isang nilalang. Sinabi pa ni Bishop Gutierrez mas mainam na ipaalala ng spiritual adviser ni Duterte na si Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy na sagrado ang buhay.

Ayon naman kay Sen. Tito Sotto, matagal na niyang isinusulong ang death penalty sa Senado lalo na sa mga sangkot sa droga at drug trafficking at iba pang krimen. Bukod dito, bukas ang Senado sa debate sa pagbabalik ng death penalty sa bansa.

Ang death penalty ay pinaiiral na sa bansa sa panahon pa ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Ang nahatulan ng kamatayan ay binibitay o pinauupo sa silya elektrika. (Clemen Bautista)