BARON AT KHALIL copy

NAGKAAYOS na sina Baron Geisler at ang UP student na si Khalil Verzosa kaya wala nang demandahan na mangyayari sa kanila.

Sa post sa Facebook ni Khalil, sinabi niya na nag-usap sila ni Baron sa telepono at tinapos na nila ang isyu sa kanilang dalawa.

Sabi pa niya, inakala niya na “form of justice” ang pag-upload niya ng video na minura at sinakal siya ni Baron, pero iba ang dating sa mga nakapanood nang mag-viral ang video.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

“So to end, we’re all fine. I think Baron Geisler deserves enough. Out of respect to him, I took down the video. I also want to ask everyone to stop sharing the video. We just want to put this issue behind us,” bahagi ng mahabang post ni Khalil.

Sinagot ito ni Baron ng, “Salamat man!!! Nakapagis-ipisip din ako. Yakap!!” na sinundan ng isa pang comment na, “Pare, sana matuloy ulit ang anti-rape advo natin. Ibig kong sabihin, sana makasama ako sa advocacy mo men. Gusto ring tumulong.”

Sumagot si Khalil ng, “Help is always welcome! #peace #love #mercy.”

Ayan, friends na sina Baron at Khalil, tapos na ang isyu. Ang hindi pa tapos ay ang hamon ni Baron sa mga nag-aakusa sa kanyang drug addict siya na magpa-drug test sila.

“GAME! Anyday, anytime!! I dare you!!! I challenge you!!! Drug test!!! Pero bayaran n’yo ‘ko ‘pag negative!! Baka kayo ang adik!! I urge you to look at yourself in the mirror and ask who you really are!! Go!! Game!!”

(NITZ MIRALLES)