Nabalot ng tensiyon ang isang panaderya sa Parang, Marikina City matapos damputin ng pulisya ang isang panadero na umano’y nagtangkang gumahasa sa kanyang kasambahay, kamakailan.

Kinilala ng pulisya ang arestado na si Alden Gumatay Espina, 44, panadero ng Casa Blanca Bakeshop sa Del Pilar Street, Parang, Marikina City.

Ayon sa 18-anyos na biktima, natutulog siya sa isang silid sa panaderya nitong Miyerkules nang dumating si Espina at bigla siyang pinaghahawakan sa maseselang bahagi ng katawan.

Sa bantang siya’y sasaktan, inatasan ni Espina ang dalaga na hubarin ang sariling damit at makipagtalik sa kanya.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Sa halip na bumigay, pumalag ang biktima at itinulak si Espina sa pintuan ng silid bago umiskiyerda sa panaderya upang humingi ng tulong sa kanyang kapatid na lalaki.

Kasalukuyang nakapiit si Espina sa himpilan ng Marikina City Police habang hinihintay ang pagsasampa ng attempted rape laban sa kanya, ayon sa police report. (Aric Cua)