ISA ang Albay sa naging kapana-panabik na pangyayari noong May 9 election. Sa pangunguna ni Albay Gov. Joey Salceda, ang administration bet na si Mar Roxas ang nangunguna sa probinsiya para sa presidential race, sinundan nina Sen. Grace Poe, Davao City Mayor Rodrigo Duterte at iba pang kandidato, hanggang sa huling araw bago ang araw ng eleksiyon.
Para sa kadahilanang katanggap-tanggap, nagbago ang desisyon ni Salceda kung sino ang kanyang susuportahan at ipinagkaloob niya ito kay Sen. Poe dalawang lingo bago ang mismong araw ng eleksiyon, dahilan upang maungusan si Roxas. Si Poe na unang nag-concede kay Duterte, ay nakakuha ng pinakamataas na boto sa ikalawa at ikatlong distrito ng nasabing probinsiya. Habang si Salceda, na nakakumpleto ng kanyang ikasiyam na termino ngayon taon bilang gobernador, ay nakakuha ng 92 porsiyentong boto bilang Congressman ng second congressional district ng Albay.
Kabilang sa mga prayoridad niya ang National Higher Education Contribution System (NHECS) for Private Tertiary schools; libreng edukasyon sa state colleges at unibersidad, pagtatayo ng Special Trust Funds na may P20 bilyon pondo bawat isa para sa business incubation, arts and culture, research and development, technology diffusion and extension; international tourism marketing, at ang bayan ng Daraga, at ang Bicol International Airport sa kanyang distrito, at iba pa.
Isa ang NHECS sa pinalawak na bersiyon ng kanyang Albay Higher Education Contribution System (AHECS), na nakatulong sa halos 40,000 kabataang Albayano na makakuha ng college degrees at vocational education sa loob lamang ng walong taon.
Mapakikinabangan ng mga mahihirap na kabataan ang national version nito. Kinilala si Salceda sa pagpapaunlad sa Albay na madalas biktimahin ng mga kalamidad at nagsilbing global standard model sa disaster risk reduction (DRR) at climate change adaptation (CCA).
Bumisita ang isa kong kaibigan sa northern Catanduanes bago ang araw ng eleksiyon, at sinabi niya kung gaano katindi ang pagbili ng boto sa kanyang bayan. Bukod sa pera, aniya, namahagi ang mga lokal na kandidato ng mga noodles, sabon na panlaba, at maging mga kendi na may pangalan pa ng kandidato sa plastic. Sinabi niya na sumasalamin sa mga Pilipino ang maruming pulitika sa bansa. Nagpahayag siya ng pag-asa sa susunod na pangulo na si Rodrigo Duterte.
(Johnny Dayang)