Mga laro ngayon

(San Juan Arena)

1:30 n.h. -- Adamson vs Letran

3:15 n.h. -- UE vs San Beda

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

5 n.h. -- La Salle vs Mapua

Matutunghayan na rin sa wakas ang sinasabing mas pinalakas na roster ng dating NCAA 5- time champion San Beda College sa pagsabak sa aksiyon sa unang pagkakataon ngayon sa 2016 Fil Oil Flying V Preseason Premier Cup sa San Juan Arena.

Makakatunggali ng Red Lions na kagagaling pa lamang mula sa training sa Las Vegas sa ilalim ng kilalang trainer na si Joe Abunnasar ang University of the East na kasalukuyang pumapangalawa sa Group B taglay ang barahang 2-1, ganap na 3:15 ng hapon.

Mauuna rito, maghaharap sa pambungad na laro ang Adamson at ang reigning champion Letran College ganap na 1:30 ng hapon.

Kapwa hangad ng Falcons at ng Knights na makaangat mula sa kanilang kasalukuyang kinalalagyan.

Sa tampok na laro, tatangkain naman ng De La Salle University na makopo ang ikatlong sunod na panalo upang tumatag sa kanilang pamumuno sa Group B sa pagsagupa sa Mapua.

Ganap na 5:00 ng hapon ang takda sa pagtutuos ng Green Archers na muling pangungunahan ng beteranong wingman na si Jeron Teng at ng Cameroonian center na si Ben Mbala, habang bibida sa Cardinals sina NCAA MVP Allwell Oraeme para sa huling seniors match. (Marivic Awitan)