UNITED NATIONS (AP) – Ipinoprotesta ng malalaking Western nations ang hakbang na harangin ang gay at transgender groups sa pagdalo sa isang high-level conference ng United Nations sa AIDS.
Isang liham mula sa Egypt na kumakatawan sa 51 bansa sa Organization of Islamic Cooperation ang humiling na huwag pahintulutan ang 11 organisayon na dumalo sa pulong sa susunod na buwan. Ang liham, may petsang Abril 26 at nakuha nitong Miyerkules ng The Associated Press, ay hindi nagbigay ng rason sa pagtutol.
Ang mga non-governmental organization na hiniling ng 57-member OIC na ipagbawal ay nagmula sa Egypt, Estonia, Guyana, Jamaica, Kenya, Peru, Thailand, Ukraine, Africa at United States. Lahat ay nagsusulong ng gay, lesbian o transgender rights.