Alyssa-Valdez copy

Tinalikuran ng Ateneo ang Shakey’s V-League, ngunit hindi ito dahilan para maunsiyami ang mga tagahanga at naghihintay ng ‘reunion’ ng mga dating Lady Eagles na sasabak sa premyadong commercial volleyball league sa bansa.

Ayon sa isang opisyal na tumangging pangalanan, tuloy ang pagsasama-sama nina three-time UAAP MVP Alyssa Valdez, libero Denden Lazaro at Gretchen Ho sa isang koponan na sasabak sa 12th Shakey’s V-League Open Conference sa Mayo 28, sa The Arena sa San Juan City.

Tatayong coach ng Ateneo selections si Charo Soriano, isa ring Lady Eagles alumna.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Still discussing with sponsor but they will play with a team composed of former Ateneo players,” ayon sa opisyal.

Sina Valdez at Lazaro ay magkasamang naglaro para sa matagumpay na Lady Eagles na nagwagi ng back-to-back championship sa UAAP noong 2014 at 2015.

Matapos ang kanyang paglalaro sa UAAP, matagal nagpahinga si Lazaro upang makapagkonsentra sa kanyang pag-aaral bilang isang medical school student sa Ateneo pati na rin sa pag-atras nito na makalaro para sa koponan ng Foton sa Philippine Super Liga, na kumuha sa kanya sa isinagawang rookie draft nakaraang taon.

Ikinatuwa naman ni Valdez na makasama muli sa Lady Eagles matapos na pursigihin makuha ng Pocari Sweat, na dating Philips Gold, subalit hindi nakumpleto.Una nang kinuha ng Pocari Sweat ang serbisyo ni Tai Bundit bilang coach. Si Bundit ang naging coach sa Ateneo nina Valdez at Lazaro.

Dahil sa pagkakakuha sa serbisyo ni Valdez, na two-time V-League MVP at three-time UAAP MVP, at Lazaro ay agad na nagtulak sa koponan ni Soriano na Ateneo Selection Team bilang isa sa mga paborito sa nalalapit na torneo.

May kabuuang walong koponan ang sasabak sa aksiyon kabilang ang National U, University of the Philippines, KIA at Iriga City. (Angie Oredo)