WASHINGTON (AFP) – Inaprubahan ng U.S. Senate ang panukalang batas na magpapahintulot sa mga biktima ng 9/11 attacks at kanilang mga kamag-anak na kasuhan ang Saudi Arabia sa posibleng papel nito sa mga pag-atake noong Setyembre 2001, isang batas na maaaring magbunsod ng diplomatic firestorm.

Magkaisang pinagtibay ng mga senador ang Justice Against Sponsors of Terrorism Act na ngayon ay ipapasa na sa House of Representatives, kung saan nagdadalawang-isip si Speaker Paul Ryan.

Internasyonal

Bangkay ng Pinay OFW, natagpuang nabubulok na sa bakuran ng Kuwaiti national