CLEVELAND (AP) — Karanasan, laban sa kabataan.

Sa ganitong senaryo mailalarawan ang duwelo sa pagitan ng Cleveland Cavaliers at Toronto Raptors sa NBA Eastern Conference best-of-seven championship.

Nakatakda ang Game 1 sa Martes ng gabi (Miyerkules sa Manila).

Sa ikatlong pagkakataon mula noong 2007, naihatid ni LeBron James ang Cavaliers sa Conference Finals at taliwas sa nakalipas na kampanya, mas matikas ang Cavs na galing sa magkasunod na ‘sweep’ sa postseason series.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kapwa tinapos ng Cavs ang Detroit Pistons (first round), at Atlanta Hawks (second round) sa impresibong 4-0.

Dumaan naman sa matandang kawikaan na butas ng karayom ang Raptors laban sa Charlotte Hornets (first round), at Miami Heat (second round) para makarating sa Conference finals sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng prangkisa.

Ngunit, para kay LeBron, hindi kailangang maging kumpiyansa.

"It's not an advantage," pahayag ni James.

"They're here for a reason. You got to go out and play. They also played two seven-game series and we didn't. So they can have the upper edge on that. So, there's no advantage to either team. Both teams are 0-0 and it's the first to four,” aniya.

Tangan ni James ang averaged 23.5 puntos, 8.8 rebound at 7.3 assist sa postseason.

Ngunit, hindi lamang si James ang alalahanin ng Raptors, bagkus maging sina forward Kevin Love at Kyrie Irving na kapwa malusog at handang makibaka.