Ogie copy

NAGPAPARAMDAM kaya si Ogie Alcasid na gusto niyang bumalik sa GMA-7?

Nasabi namin it dahil nakita siyang mag-guest sa programa raw nina Arnold Clavio at sa programa ng asawang si Regine Velasquez na Sarap Diva kamakailan.

Ang alam namin ay magtatapos na ang kontrata ni Ogie sa TV5 sa Agosto at nag-last taping day na ang Happinas gag show na itinapat sa Bubble Gang.

Human-Interest

Perwisyo! Netizen gumanti sa kapitbahay na nagparada ng kotse sa harap ng bahay niya

Tinanong namin ang manager ni Ogie na si Leo Dominguez tungkol dito.

“Wala pa kaming concrete plans, malayo pa ang August at saka hindi naman siya nawawalan ng shows sa TV5,” sabi sa amin ng talent manager ng TV host/actor/singer.

As of now, wala kaming naririnig sa TV5 na programang ipapalit sa mawawalang Happinas. Marahil ay on the works pa kaya ini-enjoy muna ni Ogie ang panahon sa pamilya at sa ibang projects niya. (REGGEE BONOAN)