Patay ang isang lalaki matapos masagasaan at makaladkad ng isang tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Tondo, Maynila, nitong Sabado.

Lumitaw sa imbestigasyon na nangongolekta si Alejandro Marquez, empleyado ng Manila Traffic Parking Bureau (MTPB)-Impounding Division, ng piyesa ng lumang telebisyon na nagkalat sa tabi ng riles nang masagasaan ito ng tren.

Ayon sa kasamahan sa trabaho ng biktima na si Rodel Dolorico, patawid na sana ng riles si Marquez at pauwi na nang mangyari ang insidente.

Matapos pumailalim, sinabi ng mga saksi na nakaladkad pa ang katawan ni Marquez ng humaharurot na tren, kaya nahati ito sa gitna.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Samantala, umapela ang pamilya ni Marquez ng tulong mula sa PNR, na hindi pa rin nagbibigay ng pahayag hinggil sa insidente.

Sa kabila ng mga tagubilin sa mga residente na huwag magpakalat-kalat sa tabi ng riles, sinabi ni Ricardo Cortez, chairman ng Barangay 228-Zone 21, na marami pa ring pasaway sa kanilang lugar ang nahahagip ng tren. - Argyll Cyrus B. Geducos