Maine at Alden

Ni NORA CALDERON

NITONG nakaraang Sabado, pumasok na sa noontime show na Eat Bulaga sina Sen. Tito Sotto at Anjo Yllana para magpasalamat sa muling pagtitiwala sa kanila ng mga botante sa katatapos na election.

Special ang araw na iyon sa hosts ng show dahil nagkaroon ng once a month na “Bulagaan 2016,” kaya muling naipon ang ang Dabarkads na sina Tito Sen, Vic Sotto, Allan K, Joey de Leon, Ruby Rodriguez, Pia Guanio, Pauleen Luna, Patricia Tumulak, Lola Nidora (Wally Bayola), Lola Tinidora (Jose Manalo), Ryzza Mae Dizon, Jimmy Santos, Anjo Yllana, kasama ang dalawang finalists ng “Just Duets” na sina Mackie Cao  at Nolian Culala at sina Yaya Glow at Yaya In.

Human-Interest

Resbak ng inuutangan matapos sabihang mayabang, winner sa netizens

Noong Friday, nai-share ng EB ang video na live nag-update sina Alden Richards at Maine Mendoza habang naghihintay mag-set up si Direk Mike Tuviera sa susunod nilang eksena sa Lake Como, Italy. Nabanggit ng dalawa na kahit nasa Italy sila, sasali pa rin sila sa “Bulagaan 2016.”  May mga hindi naniwala, kaya nasorpresa sila nang tawagin ni Tito Sen sina Alden at Maine na napakiusapan daw nila si Direk Mike na payagang sumali sa kanila.

Tourist destinations sa Pilipinas ang topic sa kanilang knock-knock jokes at ang tanong sa dalawa, ano ang beach capital of the Philippines na kilala sa puti at pinong buhangin. Lumitaw nga sa screen sina Maine at Alden, sa pamamagitan ng modern technology, at sumagot ng ‘Boracay’ na kinanta sa tune ng “Ikaw Lang ang Aking Mahal,”

Sa updates sa dalawang bida ng movie na may working title na Imagine You & Me, hindi na pala sila natuloy lumipat ng ibang location dahil gumanda na ang weather sa Lago de Como. Kaya tuluy-tuloy na ang shooting nila. 

Ayon kina Alden at Maine, sa video shared by Eat Bulaga, napakaganda ng locations na ginagamit nila, sobra raw ang lamig doon. Biro pa ni Alden, mas malamig pa sa mga malalamig ang Pasko. Halatang may sipon si Alden dulot ng sa lamig, at miss na miss na raw nila ang fans sa Broadway studio, ang Dabarkads, sina lola at ang kalyeserye.

Ngayong  Monday, may darating pa silang dalawang kasama sa cast.  Hanggang sa May 18 pa sila magsu-shooting sa Como, Italy and from there, lilipat na sila sa Verona at Rome. Balitang five shooting days sila sa Rome bago sila bumalik ng bansa, hopefully, sa May 28.  

Six shooting days na lamang daw ang gagawin nila pagkabalik nila rito.