Ang 14th leg one-day 6-cock derby ng 2016 UFCC Cock Circuit ay ilalatag sa Pasay Cockpit Arena ngayon, tampok ang may 80 sultada, sa pangunguna ng Bicolanong si Ricky Magtuto (Ahluck Camsur).

Magsisimula ang aksiyon ganap na 3:00 ng hapon.

Kabilang sa 28 kalahok ang mga nasa unahan ng kampanya para sa 2016 UFCC Cocker of the Year kung saan umakyat si Magtuto sa ikalimang puwesto matapos makopo ang 13th Leg.

Nangunguna sa kampanya para sa titulo si Joel delos Santos (San Roque) na may 49.5 puntos. Nakabuntot sa kanya sina Engr. Sonny Lagon (Blue Blade Farm), 47.5 puntos; Fiscal Villanueva (Fiscalizer 3-Cock La Loma 22K Pot May 19 Eboy), 46 puntos; Arman Santos (Jade Red), 44.5 puntos; at Magtuto 43.5 puntos.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Tumatanggi namang malaglag sa kampanya sina Gerry Ramos (AAO Striker); Gov. Eddiebong Plaza (1st Mindanao International 7-Cock); Gerry Teves (Gerry Boy); Celso Salazar (Golden Boy 718); Rep. Patrick Antonio (Pang Minimum Bet); Ramos (AAO Hitcock); Ka Luding Boongaling (LB Candelaria RCG); Dorie Du at Magno Lim (Davao Matina MYL); at Dong Chung (D Parkners).

 Ang 2016 UFCC Cock Circuit ay ginaganap sa paanyaya ng Ultimate Fighting Cock Championship (UFCC) na iniisponsoran ng Thunderbird Power Feeds, Resorts World-Manila, Solaire Resorts & Casino, at Sagupaan.