PURA, Tarlac – Isang seaman ang biniktima ng mga miyembro ng Salisi Gang sa isang bus terminal sa Barangay Singat, Pura, Tarlac.

Kinilala ni PO1 Milan Ponce ang biktimang si Sofronio Tappa, 50, may asawa, ng Dahlia Street, Panacal Village, Tuguegarao City, Cagayan.

Natangay ng mga hindi nakilalang kawatan ang laptop computer ni Tappa na nagkakahalaga ng P28,000 at iba’t iba at pawang mahahalagang dokumento.

Napag-alaman na pasahero ng Florida bus (BVT-877) si Tappad patungong Tuguegarao, at nag-stop over sa Pink Pantry bus station na roon bumaba ang biktima para kumain, pero pagbalik niya sa bus ay nawawala na ang kanyang mga gamit. - Leandro Alborote

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito