Isang Amerikanong batikan sa pagmamanok ang lalahok sa 2016 World Slasher Cup-2 8-Cock Invitational Derby na gaganapin sa Manila sa Mayo 26 hanggang Hunyo 1.

Bitbit ang mga sasabunging produkto ng mahuhusay na linyada, si Keith Cargill ay magpapamalas ng world-class na panlaban sa prestihiyosong torneo.

Kilala sa pagpapalahi ng mga superior na sasabungin, si Cargill ay respetado sa mga subok nang linyada na Cardinal Kelso, Johnnie Jumper Kelso, at Mel Simms.

Ang kanyang Cardinal Kelso --- peacomb, yellow-legged, medium-stationed – ay may tama na palo at ay subok sa mga internasyunal na labanan.

Coach Topex, umalma matapos daw tawaging ‘iskwater’ sa komosyon nila ng UP

Ang kanyang Johnnie Jumper Kelso --- dark-feathered, white-legged, malakas, agresibo, at may tama ring palo --- ay patuloy na nananalo sa katulad na mga kompetisyon.

Habang ang kanyang Mel Simms --- 95 porsiyentong straight comb --- ay magpapakita naman ng lakas at superior na war engine sa World Slasher.

Mula sa California, si Cargill ay lalahok sa world-class na mga labanan na magaganap sa dalawang magkahiwalay na 2-cock elimination sa Mayo 26 at 27.

Umaasa siyang makaaabante para sa mas matitinding labanan sa semi-finals na nakatakda sa Mayo 28 at 29.

Ang mga kalahok na makapagtatala ng 2, 2.5 at 3 puntos sa eliminations at semi-finals ay susulong sa 4-cock pre-finals na gaganapin sa Mayo 30 at 31.

Nakakasa ang mga manok ni Cargill para sa kapana-panabik na grand finals ng 2016 World Slasher Cup-2 na inaasahang yayanig sa Manila, sa Hunyo 1.

Ang entry fee ay nakatakda sa P88, 000. Ang minimum bet naman sa P33, 000.

Katuwang sa pagganap ng 2016 World Slasher Cup-2 ang Gamefowl Magazine, SuperSabong – Bigtime Sabong Sa Telebisyon, Chicken Talk, and Cockpihan – Usapang Sabong Sa Radyo bilang media partners.

Sa paanyaya ng Pintakasi of Champions, ang ikalawang edisyon ngayong taon ng World Slasher Cup, tinaguriang The Olympics of Cockfighting, ay ini-isponsoran ng Thunderbird Platinum and Thunderbird Bexan XP.