Binalaan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang gobyerno at ang publiko kaugnay ng pagpasok ng La Niña phenomenon sa bansa, na magiging kabaligtaran ng El Niño.

Ayon kay Anthony Lucero, weather specialist ng PAGASA, kapag pumasok na ang naturang weather phenomenon ay makararanas ang bansa ng malalakas na pag-ulan na magpapabaha sa maraming lugar sa bansa.

Batay sa huling advisory ng PAGASA, patuloy na humihina ang El Niño sa tropical Pacific na nangangahulugan na unti-unti nang mamumuo ang La Niña sa gitnang bahagi ng taon.

Kaugnay nito, pinayuhan ng ahensiya ang gobyerno na paghandaan ang nasabing weather event, habang tinutulungan ang mga naapektuhan ng El Niño.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Dahil dito,inaasahan na ng ahensiya ang below normal rainfall sa Luzon at Visayas, habang sa ilang bahagi ng Mindanao ay makakaranas na ng “near-normal to above-normal rainfall conditions”. (ROMMEL P. TABBAD)