Kendall JennerIsa si Kendall Jenner sa mga paboritong supermodel ng mga tao sa planeta, ngunit sa June/July issue ng Harper’s Bazaar, isiniwalat ng 20 taong gulang na iba ang gusto niyang gawin sa buhay noon. 

“I’ve always loved animals,” sambit ni Kendall. “I rode horses for 10 and a half years, so I thought I was going to be a professional horseback rider and then a vet.”

Sinasanay din ng reality star ang kanyang sarili sa ninanais na propesyon kapag siya’y may sapat na oras. “I used to play these vet video games,” pagsisiwalat niya.

“I feel like a lot of people say that kids who grow up in that kind of world go crazy. But it has everything to do with how your parents raise you,” aniya. “I was raised so normally, or as normally as I could have been.”

Tsika at Intriga

Juliana nagpatutsada kay Diwata: 'Dating nagsusungit, ngayon kusang lumalapit!'

At gaya ng ibang bata, alam niya kung sino sa magulang niya ang makakasundo. “My mom was the pushover, and my dad was the strict one,” pahayag niya sa magazine.

Bagamat ang brunette beauty ay naging ganap na superstar, ipinagpipilitan niya na namumuhay pa rin siya nang simple. - Yahoo News/Celebrity