Pinasalamatan ni vice presidential candidate Leni Robredo ang isa sa kanyang nakatunggali na si Sen. Alan Peter Cayetano, matapos nitong tanggapin ang pagkatalo sa halalan.

“I thank Senator Alan Peter Cayetano for the statement regarding the elections. I am open to cooperating with him for the welfare of our countrymen,” saad sa pahayag ni Robredo.

“We are hoping that this would end as soon as possible in order to start the healing of the country,” dagdag niya.

Tinukoy ni Robredo ang bangayan nila ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos dahil sa gitgitan sa bilangan ng boto, na nasa 200,000 ang lamang ng kongresista sa senador.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Nagkakainitan na rin sa social media ang mga tagasuporta ng dalawang vice presidential bet dahil sa palitan ng alegasyon ng pandaraya sa ginanap na eleksiyon nitong Lunes.

Maging ang anak ni Tacloban City Mayor-elect Cristina Gonzales-Romualdez ay inulan ng batikos ng netizens dahil sa umano’y “below-the-belt attack” kay Robredo.

Una nang hiniling ni Marcos sa Commission on Elections (Comelec) na itigil ang quick count dahil sa umano’y mga discrepancy sa resulta ng vote tallying. (Aaron B. Recuenco)