SAN LEONARDO, Nueva Ecija - Dahil sa matagal nang alitan, isang 24-anyos na construction worker ang pinagsusuntok bago pinagbabaril ng kanyang kaaway sa Purok 4, Barangay Rizal sa bayang ito, nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ng San Leonardo Police ang biktimang si Ronnel Nagano y Razon, binata, residente ng nasabing lugar, na nagtamo ng dalawang tama ng bala ng hindi matukoy na kalibre ng baril sa tagliran.

Nakilala naman ang tumakas na suspek na si Danilo Nagano y Fernandez, 49, isang electronic repairman at residente sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ni PO2 Rodelio Gutierrez, dakong 9:30 ng gabi nang lasing na pumasok ang suspek sa bahay ni Nagano at pinagsusuntok ang noon ay nagpapahingang biktima.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Hindi pa nasiyahan, binunot nito ang nakasukbit na baril at dalawang beses na pinaputukan ang biktima.

(Light A. Nolasco)