wade copy

MIAMI (AP) — Tahimik at nasa tamang puwesto sa center court si Dwyane Wade ng Miami Heat habang inaawit ang “O Canada” bago ang Game 4 ng Eastern Conference semi-finals nitong Lunes (Martes sa Manila).

Natuto na ng leksiyon ang one-time MVP.

Bago ang laro, humingi ng paumanhin ang Heat star guard sa aniya’y nasaktan sa naging aksiyon niya bago ang Game 3 nitong Sabado (Linggo sa Manila) kung saan patuloy siyang nag-eensayo at wala sa tamang pila ng mga players habang inaawit ang National Anthem ng Canada.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

Kalat sa social media ang naturang video ni Wade na umani ng batikos mula sa Canadian nitizen at leaders.

Humingi ng paumanhin si Wade, sa kabila ng pagdepensa na wala siyang intensiyon na bastusin ang mga mamamayan ng Canada.

“No disrespect at all from me,” sambit ni Wade.

“I apologize for Canada thinking I would disrespect them as a country. So today, I just adjusted how I normally get ready for a game and got in the line first.

“I have so much respect for the Toronto Raptors, obviously, and I have respect for the country of Canada,” aniya.

“So I didn’t mean any disrespect.”

Normal na ginagawa ni Wade ang ‘shoot around’ dahil inaawit ang National Anthem ng US may 15 minuto matapos ang kanilang ensayo, taliwas sa naganap na sitwasyon sa Air Canada Center sa Toronto.