Wala nang babalikang puwesto ang mga kumandidatong bise presidente, na nagsipanguna sa pre-election survey sa nakalipas na mga buwan, na sina Senator Ferdinand Marcos, Jr. at Camarines Sur Rep. Leni Robredo sakaling matalo sila.

Natapos na ang anim na taong termino ni Marcos sa Senado, na maaari pa sanang kumandidato para sa isa pang termino ngunit piniling tumakbo sa pagka-bise presidente.

Pagka-bise presidente rin ang inasinta ni Robredo matapos niyang talunin ang makapangyarihang angkan ni Luis Villafuerte sa Camarines Sur noong 2013.

Sakali namang hindi magsipagwagi, magbabalik-Senado pa ang mga katunggali nina Marcos at Robredo na sina Senators Francis Escudero, Gregorio Honasan, Alan Peter Cayetano at Antonio Trillanes 1V, dahil sa 2019 pa magtatapos ang kanilang termino.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Gaya ng apat, makababalik din sa Senado si Senator Grace Poe sakaling matalo ito sa pagkandidatong pangulo, dahil may natitira pa itong tatlong taon sa termino. (Leonel Abasola)