Hataw ang Adamson University, Letran-A at National University sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 22nd Fr. Martin Cup Summer Basketball Tournament kamakailan sa St. Placid gymnasium sa Arellano University campus sa Legarda, Manila.      

Kumana sina Fil-American recruit Jerick Ahanmisi at Papi Sarr sa naiskor na tig-12 puntos para sandigan ang Adamson Soaring Falcons sa 93-72 panalo kontra Centro Escolar University-A Scorpions.

Tinapos ng Soaring Falcons ang eliminations na may limang panalo at isang talo, sapat para patatagin ang kampanya na makasikwat ng quarterfinal slot sa Group A.

Nanguna naman si Rey Nambatac na may 19 puntos para sa reigning NCAA champion Knights, nagwagi sa San Beda Red Lions, 74-69.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nag-ambag sina JP Calvo at Kier Quinto ng 16 at 14 puntos, ayon sa pagkakasunod para mapanatiling malinis ang karta ng Knights sa Group B.

Nanguna si Eugene Toba sa Red Lions na may 24 puntos.

 

Tinambakan ng reigning UAAP junior champion NU Bullpups ang San Sebastian Staglets, 81-35, sa junior division.

 

Ratsada sina Neil Tolentino, Michael Malonzo at Joshua Calleja na may tig-12 puntos para sa Bullpups, para makopo ang ikalimang sunod na panalo sa Group B.

Dahil dito, mas napalapit ang Bullpups, ni Chico Manabat, sa isa sa dalawang semifinals slot.