Snooky SernaNAG-ALANGAN si Snooky Serna kung makakaya niya ang comedy dahil hindi naman talaga niya ito forte. Madalas na sa drama siya nalilinya. 

Kaya laking gulat niya sa magagandang feedback sa kanyang character sa Poor Señorita. 

“Noong una, parang nailang ako kasi hindi ko forte ang comedy. Pero noong bandang huli, ay okay na. I was not really expecting a lot from myself. Sabi ko, I will just enjoy the ride and I will just enjoy being in the company of Regine (Velasquez), Valeen (Montenegro), Sheena (Halili), Mikael (Daez), and everybody. 

“Pero aminin natin na ‘yung nagse-set talaga ng tone ay ‘yung bida. And we have to give it to Regine. Ang gaan niyang katrabaho, palaging good vibes,” dagdag pa niya.

'TrilYULO:' Dennis, kumasa rin sa croptop challenge!

So, komedyante na si Snooky Serna. Salamat sa Poor Señorita! —Ador V. Saluta