JAKARTA (AFP) – Tutok na tutok sa computer monitor ang isang grupo ng mga Indonesian “cyber warrior” habang nagpapadala ng mga mensahe na nagsusulong ng mga tamang turo ng Islam sa bansang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim.

Armado ng mga laptop computer at smartphone, nasa 500 miyembro ng Nahdlatul Ulama (NU)—isa sa pinakamalalaking organisasyong Muslim—ang determinadong kontrahin ang mga mensaheng extremist ng Islamic State (IS).

Sinisikap ng NU na makontra ang sopistikadong Internet operations ng IS, na responsable sa paghikayat sa daan-daang Muslim sa mundo upang sumali sa teroristang grupo, kabilang ang 500 Indonesian na nagtungo sa Middle East para makipaglaban.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina