Tagumpay ang kampanya ng dalawang Pinoy fighter na nasa pangangasiwa ni promoter Sammy Gello-ani sa international fight sa Bazar Hotel Ground sa Bangkok, Thailand.

Naitala ni reigning WBO Oriental junior flyweight champion Jessie Espinas ang TKO win kontra Tommy Seran ng Indonesia matapos tumangging tumayo sa kinauupuan ang kalaban sa pagsisimula ng ikalimang round.

Nauna rito, napabagsak ni Espinas ang Indonesian sa ika-apat na round.

Bunsod ng panalo, nahila ni Espinas ang karta sa 14-2, tampok ang 10 knockout.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Galing si Espinas sa matagumpay na title clinching sa WBO Oriental noong Pebrero via 8th round TKO kontra sa dating walang talong si Paipharob Kokietgym ng Thailand, bumagsak sa 32-1, tampok ang 25 knockout.

Naisalba naman ni featherweight Jessie Cris Rosales ang pagputok ng kanang kilay bunsod ng head-butt para makopo ang panalo via 10-round decision kontra Ibuki Tanaka ng Japan.

Galing sa matikas na first round TKO win ang 24-anyos na si Rosales bago sumabak kay Tanaka.

Ayon kay Gello-ani, kasama niya sa promosyon ang Kokiet Group of Companies, ang kumpanyang nasa likod ng WBC International championship bout.