Isang Pilipinong federal security officer na suspek sa pamamaril at pagpatay sa kanyang asawa at sa dalawang iba pa, sa magkakahiwalay na lugar, ang naaresto nitong Biyernes, kinumpirma ng pulisya kahapon.

Payapang sumama sa mga pulis si Eulalio Tordil, ng Federal Protective Service, na bumaril at nakapatay nitong Huwebes sa 44-anyos niyang asawang si Gladys Tordil, sa parking lot ng High Point High, na roon nag-aaral ang kanilang mga anak. Binaril din at nasugatan ang isang lalaking nagtangkang umawat sa suspek.

Nitong Biyernes ng umaga, tatlong tao ang pinaniniwalaang binaril ni Tordil sa labas ng Westfield Montgomery Mall sa Bethesda, at isa sa mga ito ang nasawi.

Makalipas ang kalahating oras, isang babae naman ang sinasabing binaril at napatay ni Tordil sa labas ng Giant Food store sa Aspen Hill. (Time)

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'