Nakapagtala ang Commission on Elections (Comelec) ng mas mataas na voter turnout sa idinaraos na Overseas Absentee Voting (OAV) para sa Halalan 2016 kumpara sa mga nakalipas na eleksiyon.

Lumilitaw sa data ng Comelec, sa loob lamang ng 26 na araw o mula Abril 9 (nang buksan ang OAV) hanggang Mayo 4, ay nasa 288,133 o 21 porsiyento na ng kabuuang 1,376,067 overseas Filipino workers (OFW) na nagparehistro ngayong taon ang nakaboto para sa May 9 national elections. Mas mataas ang bilang na ito kumpara sa naitalang voter turnout noong 2004, 2007, 2010 at 2013 elections.

Kumpiyansa ang Comelec na madaragdagan pa ang bilang ng mga bumotong overseas voters bago matapos ang voting period sa Mayo 9, ang election day sa Pilipinas. (Mary Ann Santiago)

'TrilYULO:' Dennis, kumasa rin sa croptop challenge!