Sampaguita Senior Stars copy

NAG-IMBITA si Manay Marichu Vera-Perez Maceda ng lunch sa Sampaguita Gardens para sa project ng kanyang anak na si Edward para sa senior citizens na nasasakupan nito bilang konsehal sa 4th District ng Manila.

Nag-imbita rin si Manay Ichu ng senior stars nila sa Sampaguita Pictures tulad nina Ms. Gloria Romero, Pilita Corrales, Divina Valencia, Luz Valdez, Nova Villa, Lollie Mara, Gloria Sevilla, kasama ang anak na si Suzette Ranillo, Jaime Fabregas, with Lolit Solis at Ricky Lo. Nagbahagi sila sa senior citizens ng masasayang araw nila sa Sampaguita Pictures, na sabi nga nila, kinalakihan na nila at nakilalang mahuhusay na artista, sa guidance ni Dr. Jose Perez at Mommy Azucena Vera-Perez. Naging close sila sa Vera-Perezes na tila isa na silang malaking pamilya. Kaya tuwing may events sa Sampaguita, lagi silang present. At si Edward, parang anak na rin nila.

Si Edward ay bunso sa limang anak na lalaki nina Manay Ichu at Sen. Ernesto Maceda, na naroon din at nagbigay ng pananalita para sa anak. Graduate si Edward ng Journalism sa UP at nagtapos din ng Law sa Ateneo University with honors. Six terms siyang naging councilor of Manila from 1995 to 2004, at sumunod noong 2007 to 2016, kaya kandidato naman siya ngayon for Congressman sa 4th District of Manila.  

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

Sa kanyang panunungkulan, pinagtuunan ng pansin ni Edward ang kapakanan ng mga senior citizen sa kanyang distrito, siya ang unang nagbigay ng free movie tickets sa Manila’s senior citizens, cash gift na P500 on their birthday, at free medical services sa alinman sa anim na ospital sa Maynila. Itutuloy pa rin niya ang proyektong ito kapag nahalal siyang congressman at isasama na niya ang bagong proyekto na magbibigay ng free education sa lahat para matulungan silang mabago ang kanilang pamumuhay.  

Ang bilib na bilib kami kay Edward, ang mabilis niyang pagtanda sa pangalan ng mga tao, kahit first time pa lamang niyang nakilala. Biro namin, kilala ba niyang lahat ang constituents niya sa kanilang 4th district? Sa lunch nga, nang magpasalamat siya, isa-isa niyang tinawag sa pangalan ang mga ito.

Kasamang nag-entertain ni Edward sa mga dumalo ang fiancée niya, ang very beautiful na si Dr. Gel Lazaro, a dermatologist. Nakatakda na silang magpakasal next year.

Kasama naman ni Manay Ichu na nag-asikaso sa guests at media people ang kapatid na si Betchay Vera-Perez-Nakpil na siyang nag-provide ng masarap na pananghalian.