Dapat doblehin ang sahod ng mga guro.
Ito ang nangunguna sa plataporma ni Philippine Red Cross (PRC) Chairman Richard “Dick” Gordon, na muling sasabak sa pagkasenador sa eleksiyon sa Lunes, sa kanyang pagsipot kahapon sa “Hot Seat” candidates’ forum ng Manila Bulletin.
Daig pa ang isang machine gun, tuluy-tuloy ang sagot ni Gordon sa mga katanungan na ibinato ng mga editor at staff ng Manila Bulletin, Tempo at Balita hinggil sa mahahalagang isyu na nakaaapekto sa buhay ng mga Pinoy.
Ayon kay Gordon, naghihikahos ang magulang ng mga estudyante para mai-enroll ang kanilang anak sa mga eksklusibong paaralan para sa de-kalidad na edukasyon.
“But when it comes to pay, we are not ready to pay our teachers well. I don’t know why… Can you imagine if we start paying them P40,000, Salary Grade 21?” pahayag ni Gordon.
Ginawang halimbawa ni Gordon, na dating alkalde ng Olongapo City, ang Singapore na isa lamang maliit na siyudad na may maliit na populasyon subalit matatag ang ekonomiya.
“Our country has $7,000 per capita income. Singapore pays their teachers P133,000… We pay our teachers P18,500 a month,” ayon sa PRC chairman, “we do not love our teachers. We claim we love them, we claim we love our children.”
(Monch Mikko E. Misagal)