KORONADAL CITY – Isang pastor at kasama niyang babae ang nasawi matapos na salpukin ng isang humaharurot na pick-up truck ang sinasakyan nilang motorsiklo sa highway sa Barangay Carpenter Hills sa siyudad na ito, nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Pastor Welbert Plicer, 45; at Angelyn M. Eding, 25, kapwa taga-Barangay Tubiala, Surallah, South Cotabato.

Ayon sa report, minamaneho ng pastor ang asul na motorsiklo (MX-8775) at kaangkas si Eding, patungo sa city proper nang bigla silang salpukin ng sumalubong na Toyota Hi-lux (NPO-663), dakong 2:00 ng hapon nitong Sabado.

(Ali G. Macabalang)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog