Nakumpleto ng National University ang pambihirang “sweep” nang magwagi sa boy’s and girls’ 17-and-under division ng Toby’s Sports Junior’s Volleyball League Season 10 kamakailan, sa Sports Arena sa Pasig City.
Nagawang makabangon ng NU boys’ 17-and-under team sa matikas na ratsada ng Far Eastern University (FEU)-Diliman tungo sa 15-25, 25-22, 25-23 panalo, habang naungusan ng girls’ tem ang FEU-Diliman, 25-16, 25-22.
Nakopo ng Lyceum of the Philippines University-Cavite ang ikatlong puwesto sa boys’ 17-and-under, habang second runner-up ang Chiang Kai Shek College sa girls’ class.
Samantala, napagwagihan ng Collegio San Agustin-Binan City ang girls’ 13-and-under title kontra Assumption Antipolo B, 25-23, 25-14, habang pangatlo ang De La Salle Integrated School.
Tinanghal na boy’s Most Valuable Player si Mac Arvin Bandola of NU, habang sina Eryn De Lima ng Lyceum (Best Libero), Sean Padon ng FEU (Best Setter), Madz Abdulmuin ng NU (Best opposite attacker), Angel Bert Navas ng FEU (1st Best Outside Attacker), June Cayamso ng NU (2nd Best Outside Attacker), Mac Bandola ng NU (1st Best Middle Blocker) at Valeriano Sosis ng Lyceum (2nd Best Middle Blocker).
Tumanggap naman ng parangal sa girls’ class sina Jimi Jean Jamili ng NU (MVP); Roma Mae Doromal ng NU (Best Libero); Camille Lamina ng NU (Best Setter), Kamille Cal ng NU (Best Opposite Attacker), Jimi Jean Jamili ng NU (1st Best Outside Attacker); Akeyla Delos Reyes ng FEU (2nd Best Outside Attacker); Thea Gagate ng NU (1st Best Middle Blocker); at Alyanna Ong ng Chiang Kai Shek (2nd Best Middle Blocker).
Tumanggp naman ng parangal sa girls’ 13-and-under division sina Rachelle Tan ng CSA (MVP); Margaret Lucas ng La Salle (Best Libero); Joana Luna ng CSA (Best Setter); Sophia Buena ng Assumption Antipolo B (Best Opposite Attacker); Rachelle Tan ng CSA (1st Best Outside Attacker); Helaena Miraflor ng La Salle (2nd Best Outside Attacker); Mikayla Tucay ng Assumption (1st Best Middle Blocker); at Rachel Whisehunt ng Assumption (2nd Best Middle Blocker).