N’DJAMENA (AFP) – Sa suporta ng Amerika at Europa, nagkaisa ang mga bansa sa African upang durugin ang militanteng grupong Islam na Boko Haram na naghahasik ng terorismo sa rehiyon—ngunit mahalaga ang magkakaugnay na pagtugon para maging matagumpay ang plano.

Sa opensiba ng rehiyon na inilunsad ng Chad at Nigeria noong 2015 laban sa grupo, matagumpay na naitaboy ang Boko Haram sa maraming bayan na kinubkob nito sa hilaga-silangang Nigeria.

Taong 2009 nang simulan ng grupo ang mga pag-atake sa Nigeria, at nasa 20,000 katao na ang napatay ng mga ito, ayon sa World Bank.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina