Mayo 1, 1851 nang buksan ni Queen Victoria ang The Great Exhibition na matatagpuan sa Crystal Palace sa London, England. Nasa three pounds ang orihinal na halaga ng ticket para sa kalalakihan, at two pounds naman sa kababaihan.

Sa konsepto ni Prince Albert, tampok sa fair ang nasa 100,000 kagamitan na inihandog ng mahigit 15,000 katao. Ang pinakamalalaking naka-display ay isang dambuhalang hydraulic press na kayang magdala ng metal tubes, at isang steam hammer.

Isinulat ni Queen Victoria sa kanyang diary na matatagpuan sa fair ang “every conceivable invention.”

Nagsara ito noong Oktubre 11, 1851 matapos bisitahin ng mahigit anim na milyong katao, at kumita ng 186,000 pounds.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’