Makatabla sa serye upang patuloy na buhayin ang tyansang umusad sa kampeonato ang tatangkain ng reigning Philippine Cup champion San Miguel Beer sa pagtutuos nilang muli ng Rain or Shine sa Game Four ng PBA Commissioner’s Cup best-of-five semi-final series sa Arneta Coliseum.

Binuhay ng Beermen ang kanilang tsansa matapos biguin ang Elasto Painters sa tangkang sweep nitong Biyernes sa Philsports Arena sa kabila ng paglalaro ng All-Filipino sa desisyon na rin ni coach Leo Austria bilang parusa sa mainiting import na si Tyler Wilkerson.

Tuluyang nang pinalitan ng Beermen si Wilkerson at ibinalik ang dating import na si Arizona Reid.

“Mas malaki yung chance namin kung may import,” pahayag ni Austria na sasandig din kina Marcio Lassiter, Chris Ross, Arwind Santos, Junemar Fajardo at Alex Cabagnot.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Ngunit, kahit naudlot ang pagpasok sa kampeonato, optimistiko pa rin si Elasto Painters coach Yeng Guiao sa kanilang katayuan.

“We just postponed our trip to the finals.Na delay lang ng konti.We still feel positive about our chances,”pahayag ni Guiao. (Marivic Awitan)